Ang ProPublica ay isang grupo ng mga tagapag-ulat.
Hindi ka namin didiktahan ng kung sino at ano ang iboboto.
Nais naming bigyan ka ng impormasyon.
Ang pagboto ay isang karapatan.
Hindi mo kailangang patunayang marunong kang bumasa o sumulat para bumoto.
Sinasabi ng batas na makakakuha ka ng tulong sa pagboto kung mayroon kang kapansanan o hindi ka makabasa.
Inaasahan namin na ang gabay na ito ayg makakatulong sa iyo na makaboto.
Maaari kang tumawag sa Election Protection hotline (tatawagan para sa Proteksyon sa Halalan) kung kailangan mo ng tulong sa pagboto.
- Para sa mga nagsasalita ng Cantonese, Hindi, Urdu, Korean, Mandarin, Tagalog o Vietnamese: Tumawag sa 888-274-8683.
- Para sa mga nagsasalita ng Ingles: Tumawag o mag-text sa 866-687-8683.
- Para sa mga nagsasalita ng Espanyol: Tumawag sa 888-839-8682.
- Para sa mga nagsasalita ng Arabic: Tumawag sa 844-925-5287.
Hindi sasabihin sa iyo ng Election Protection hotline kung sino ang iboboto.
Hindi mo kailangang pagbotohan ang lahat.
Maaari kang bumoto lamang sa kung ano ang mahalaga sa iyo.
Maaari ba akong bumoto?
Kailangan mong maging 18 taong gulang o mas matanda pa.
Kailangan mong maging isang mamamayan ng Estados Unidos.
Hindi kinakailangan na nakakapagsalita ka ng Ingles.
Hindi kinakailangan na marunong kang magbasa.
Kailangan mong mag-sign up para bumoto.
Maaaring hindi ka makakaboto kung nahatulan ka ng hukom sa isang krimen.
Sa karamihan sa mga state, ang mga taong may mga kapansanan sa pag-iisip ay maaaring bumoto.
Maaaring hindi ka makakaboto kung mayroon kang tagapag-alaga (guardian).
Sa karamihan sa mga state , ang hukom lamang ang makapagsasabi sa iyo na hindi ka makakaboto dahil sa kapansanan.
Maaari kang humingi ng tulong upang maprotektahan ang iyong mga karapatan sa pagboto.
Paano ako magsa-sign up para bumoto?
Kailangan mong magparehistro para makaboto.
Ang pagpaparehistro ay nangangahulugang ikaw ay magsa-sign up.
Maaari ba akong bumoto sa pamamagitan ng koreo?
Maaari kang bumoto sa pamamagitan ng koreo (mail) kung mayroon kang kapansanan.
Maraming state ang nagpapahintulot sa mga tao na bumoto sa pamamagitan ng koreo.
Kailangan mong ipaalam sa iyong state nang maaga kung gusto mong bumoto sa pamamagitan ng koreo.
Saan ako pupunta para bumoto nang personal?
- Hanapin ang iyong lugar ng botohan. Ang iyong lugar ng botohan (polling place) ay kung saan ka pupunta para bumoto.
- Tingnan kung kailangan mong magdala ng pagkakakilanlan (ID) para bumoto.
Ang ID ay isang card o piraso ng papel na nagpapatunay kung sino ka. Ang ilang mga halimbawa ay:
- Lisensya sa pagmamaneho.
- Pasaporte.
- Sertipiko ng kapanganakan.
Maaari ba akong magpatulong sa isang tao?
Ang Voting Rights Act ay isang batas.
Sinasabi nito na may ilang taong makakakuha ng tulong sa pagboto.
Makakakuha ka ng tulong sa pagboto kung mayroon kang kapansanan.
Makakakuha ka ng tulong sa pagboto kung hindi ka makapagbasa.
Makakakuha ka ng tulong sa pagboto kung hindi ka makapagsulat.
Sino ang makakatulong sa akin?
Maaari kang humingi ng tulong sa halos kahit sino.
Maaaring tumulong sa iyo ang mga taong ito sa pagboto:
- Ang iyong anak.
- Isang miyembro ng pamilya.
- Isang kaibigan.
- Isang taong nagtatrabaho sa lugar ng botohan.
Hindi maaaring tumulong sa iyo ang mga taong ito sa pagboto:
- Ang iyong boss.
- Ang iyong kinatawan sa unyon.
Paano nila ako matutulungan?
Maaari nilang basahin sa iyo ang balota.
Nakalista sa balota ang lahat ng tao at isyung maaari mong botohan.
Maaari nilang sagutin ang mga tanong na mayroon ka tungkol sa pagboto.
Hindi nila maaaring sabihin sa iyo kung sino ang dapat iboto.
Hindi nila maaaring tingnan ang iyong balota maliban kung sinabihan mo silang gawin ito.
Paano kung hindi ako nakakapagsalita o nakakapagbasa ng Ingles?
Ang ilang lugar ay may mga balota na nakasulat sa mga wikang bukod sa Ingles.
Maaaring mayroon din silang mga tauhan na nakakapagsalita sa mga wikang bukod sa Ingles.
Maaari kang magsama ng isang taong tutulong sa iyo na magsalin sa wika mo.
Kung hindi ka makahanap ng taong tutulong sa iyo, tawagan ang Election Protection hotline.
Paano kung may nagsabi sa aking hindi ako maaaring bumoto o hindi ako makakakuha ng tulong?
Tawagan ang Election Protection hotline kung mayroon kang anumang mga problema sa pagboto.
- Para sa mga nagsasalita ng Cantonese, Hindi, Urdu, Korean, Mandarin, Tagalog o Vietnamese: Tumawag sa 888-274-8683.
- Para sa mga nagsasalita ng Ingles: Tumawag o mag-text sa 866-687-8683.
- Para sa mga nagsasalita ng Espanyol: Tumawag sa 888-839-8682.
- Para sa mga nagsasalita ng Arabic: Tumawag sa 844-925-5287.
Maaaring hindi alam ng ilang mga tauhan na pinahihintulutan kang magsama ng isang taong tutulong sa iyong bumoto.
Ipagbigay-alam sa kanila na sinasabi sa Voting Rights Act na maaari kang magsama ng tutulong sa iyo.
Isang krimen ang takutin ka ng isang tao.
Ang pananakot ay nangangahulugang pagsasabi o paggawa ng mga bagay na tatakot sa iyo upang subukang mapigilan ka sa pagboto.
Nais naming malaman kung mayroon kang mga problema sa pagboto.
Maaari kang mag-iwan ng mensahe para sa ProPublica sa 212-379-5781.
Paano ako boboto nang personal?
Maaaring kakailanganin mong pumila at maghintay para bumoto.
Maaaring magsara ang iyong lugar ng botohan habang naghihintay ka sa pila.
Kung nakapila ka, maaari kang bumoto pagkatapos magsara ng iyong lugar ng botohan.
Ipaalam sa mga tauhan kung nagsama ka ng isang taong tutulong sa iyo.
Maaaring hilingin sa iyo ng mga tauhan na pumirma sa isang form.
Sinasabi sa form na kailangan mo ng tulong sa pagboto.
Maaari kang humingi ng tulong sa isang manggagawa upang ikaw ay makaboto.
Ang ilang mga lugar ng botohan ay gumagamit ng mga makina sa pagboto.
May kakayahan ang ilan sa mga makina na iyon na basahin ang balota mo para sa iyo.
Pipindutin mo ang mga pindutan para bumoto.
Magtanong sa isang tauhan tungkol sa ganitong uri ng makina sa pagboto kung kailangan mo nito.
Paano ko isusumite ang aking balotang pangkoreo?
Sinasabi sa iyong balota kung paano ito isusumite.
Sa karamihan sa mga lugar, maaari mong ipasumite sa ibang tao ang iyong balota para sa iyo.
Hindi pinahihintulutan ng ilang mga state na ipasumite mo sa ibang tao ang iyong sariling balota.
Alamin kung pinahihintulutan ng iyong state na ipasumite mo sa ibang tao ang iyong sariling balota.
Tumawag sa Election Protection hotline para sa tulong.
Si Asia Fields ay isang tagapag-ulat sa ProPublica. Sinulat niya ang gabay na ito. Maaari kang magpadala sa kanya ng iyong mga saloobin sa [email protected].
Nilikha ni Noah Jodice ang mga guhit sa istoryang ito.
Isinalin ni Angel Walcott at Jake Irwin Estrada.