Editor's Note: The following is a translation in Filipino of the June 19, 2009, story, "Foreign Workers for U.S. Are Casualties Twice Over."
Pangarap ni Rey Torres na mabigyan ng mas magandang buhay ang asawa at limang anak kaya siya nagpasyang mangtungo sa ibansa at magtrabaho bilang driber ng bus sa isang base ng militar ng America sa Baghdad, Iraq.
Aabot sa $16,000 ang kikitain ni Torres sa loob ng isang taon. Mahigit na apat na beses ang halagang ito sa kikitain niya sa Pilipinas. Mula sa kanyang kita, plano ni Rey na makapagpagawa ng bagong bahay at mapagtapos ang kanyang mga anak sa kolehiyo.
Pero nong April 2005, napatay ang talongpu't isang taon na gulang na si Torres nang tambangan ng mga rebeldeng Iraqi ang kanyang sinasakyan. Dahil sa aksidenteng ito, ang byuda ni Torres at ang kanyang mga anak ay dapat makatangap ng tulong mula sa gobyerno ng America na aabot sa $300,000.
Pero hindi alam ng biyuda ni Torres na si Gorgonia na may ganitong klaseng benepisyo para sa kanyang pamilya kaya hindi niya ito naasikaso. Nalaman lamang niya ang tungkol dito mula sa isang reporter, dalawang taon mula nang mamatay ang kanyang asawa. Nitong kailan lang, sinubukan ng insurance company na alegruhin ang kaso sa pamamamagitan ng pag-alok ng $22,000 pero tinanggihan ito ni Gorgonia. Ang tanging pag-asa niya ngayon na makatanggap ng tamang benepisyo ay ang paghahabol sa korte. Isang proseso na maaring abutin ng maraming taon.
"Alam n'yang delikado… Ilang beses syang nagdalawang isip" kwento ni Gorgonia tungkol sa kanyang asawa " Pero sabi n'ya 'Kung di ako aalis mamamatay tayong lahat sa gutom.'"
Isa lang si Torres sa libu-libong manggagawa na nagmula sa mga mahihirap na bansa, gaya ng Pilipinas, na nagtatrabaho para sa giyera ng Amerika sa Iraq at Afghanistan. At kung sakaling masugatan o mamatay ang mga nasabing manggagawa, mayron silang matatanggap na mga benepisyo na binabayaran ng mga mamamayan ng Amerika sa pamamagitan ng kanilang binabayarang mga buwis. Kaya lang natutupad. Ayon sa pag-iimbistiga ng Los Angeles Times at ProPublica, marami sa mga dayuhang mangagawa (mga hindi Amerikano) at ang kanilang mga naiwanang mahal sa buhay ang hindi nakakatanggap ng tulong medikal at iba pang mga benepisyo.
Dati nang naiulat ng Times at ProPublica kung paano hihirapan ang mga Amerikanong sibilyan na nasugatan sa Iraq sa pagkuha ng mga tulong medikal, artificial limb at ibang serbisyo mula sa mga insurance company na dapat magbigay ng mga ito sa kanila.
Higit na malala ang sitwasyon ng mga dayuhang manggagawa. Marami sa kanila ang hindi nakatanggap ng kahit anong tulong na medikal dahil hindi nila alam na mayroon silang dapat na matanggap na tulong. Ito rin ang dahilan kung bakit ang mga naiwanang asawa at naulilang anak ay hindi nakakatanggap ng benepisyo.
Ayun sa batas dapat sinisiguro ng mga kumpanya na alam ng kanilang mga empleyado na mayroon silang insurance at mga benepisyo. Ang kumpanya rin dapat ang mag-aabiso sa gubyerno ng Amerika at sa insurance company kung may nasaktan o namatay sa kanilang mga tauhan. Ang problema, hindi ito laging sinusunod ng mga employer, habang ang Department of Labor ng Amerika na siyang nagpapatupad ng programa ay hindi rin sapat ang ginagawa para maipatupad ang programa at maparusahan ang mga employer na lumalabag dito.
Sa pagsisiyasat sa mga dokumento mula sa Pentagon at Labor Department lumalabas na libu-libung dayuhang biktima ang hindi napagtutuunan ng pansin.
May 200,000 sibilyan ang nagtatrabaho sa mga proyektong ng Amerika sa Iraq at Afghanistan. Karamihan sa mga ito ay ang mga tinatawag na third-country national. Ito ay ang mga taong hindi galing sa America, Iraq o Afghanistan. Higit na mababa ang bilang ng mga nasugutan o namatay sa mga third-country national kumpara sa mga Amerikano na kapareho nila ng linya ng trabaho.
Mula 2003 hangang 2007, aabot sa halos 22,000 ang bilang ng mga kumukuha ng benepisyo na mga third-country national at mga Amerikano. At kahit na doble ang bilang nila sa mga Amerikano, labing apat na porsiento lang sa kabubuang bilang ng mga nag-apply ng mga benepisyo ang mula sa mga third-country national.
Ayon sa mga experto, ito ay isang indikasyon na marami sa mga nasugatan or nasaktan na manggagawa ang hindi nagsusumite ng aplikasyon para makakuha sila ng mga benepisyo, kahit pa mahigit $1.5 billion ang halaga na nilaan sa mga binayad na buwis ng mga Amerikano para insurance ng mga nagtatrabaho sa lugar kung saan may giyera ang Amerika.
At kung mag-a-apply naman, madalas ay tinatanggihan ito ng mga insurance company. Kung hindi naman, maaring abutin ng maraming taon bago sila makatanggap ng benepisyo.
Ayon sa dating mataas na opisyal ng Department of Labor na si Jack Martoner "Isa itong malaking problema Walang sapat na kakayahan ang Department of Labor para bantayan" ang ginagawa ng mga employer at ng mga taga-insurance company.
Nakasaad sa Batas (Coverage Required)
Nakasaad sa batas na Defense Base Act na dapat may insurance ang lahat ng mga sibilyan na nagtatrabaho sa lugar na may giyera ang Amerika. Panahon pa ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig nang ginawa ang nasabing batas. Ayon dito, lahat ng kumpanya na kinukuha ng gobyerno ng Amerika ay dapat kumuha ng isang espesyal na klase ng insurance para sa mga manggagawa nito. Maging Amerikano man ang mga ito o taga-ibang bansa.
Lahat ng pinsala na matatamo ng empleyado ay sakop ng insurance na ito kahit pa nangyari ang sakuna sa trabaho o dahil sa roadside bomb. Ang mga gastusin ay sasagutin ng mga US taxpayer na siyang nakasaad sa kontrata ng gobyerno ng Amerika at mga employer.
Sa loob ng maraming dekada, iilang tao lamang ang nag-aasikaso sa mga aplikasyon na umabot lamang ng isang daan kada-taon. Pero nag-iba ang sitwasyong ito nang giyerahin ng Amerika ang Afghanistan noong 2001 at pagkatapos sumunod naman ang Iraq.
Sa parehong giyera, malaking papel ang ginagampanan ng mga sibilyang manggagawa. Kabilang sa trabaho ng mga ito ay ang pagluluto, paglilinis ng mga banyo, paghahatid ng gasolina at ang pagta-translate para sa militar. Sa ngayon, mas marami pa ang mga sibilyan sa loob ng mga kampo ng militar ng Amerika sa Iraq at Afghanistan kesa sa mga sundalo. At aabot na sa mahigit 1,400 na ang mga namatay sa mga sibilyan.
Pero kahit na lumobo ang bilang ng mga manggagawang sibilyan, hindi pa rin nagdagdag ng tauhan o pondo ang Labor Department para sa lumalaking bilang ng mga taong kumukuha ng mga benepisyo mula Defense Base Act.
" Wala akong nakikitang mga dayuhan na nababayaran o nabibigyan ng mga benepisyo" saad ni Joshua Gillelan, dating abugado ng Labor Department na ngayon tumatayong abugado ng mga sibilyang manggagawang naging biktima ng giyera."Kailan man hindi ito maisasakatuparan" dagdag pa ni Gillelan
Libu-libo ang mga kompanyang kinuha ng Amerika para giyera sa Iraq pero ayon sa datos ng Labor Department, mula nang magsimula ang giyera noong 2003, tanging isang maliit na security company pa lamang ang naparusahan dahil sa hindi pinaalam ng kumpanya ang pagkadisgrasya ng mga tauhan nito.
Wala ring nakasuhan na kumpanya dahil sa hindi pagkuha ng war-zone insurance, kahit pa natukoy ng imbestigasyon ng Times-ProPublica ang hindi bababa sa limang kumpanya ang hindi kumuha ng ng insurance para sa kanilang mga tauhan.
Dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng mga nasugatan na Iraqi o Afghan, hindi na sinusubukan ng Labor Department na magkaroon ng direktang kaugnayan sa mga ito. Sa halip, pinadadaan na lang sa mga employer ng mga biktima ang sulat ng agensya kung saan nakasaad ang mga karapatan at benepisyo ng mga nasugatang manggagawa.
" Isa itong napakalaking gulo. Halos lahat ng pindalang sulat ay bumalik sa amin" pahayag ni Richard Robilotti, ang opisyal ng Labor Department na humahawak sa karamihan ng mga aplikasyon para sa mga benepiso.
Ayon pa sa ilang opisyal ng agensya, ang pagkakaroon ng magkaibang kultura at ang panganib ng giyera ay nagiging balakid para makarating ang mga benepisyo sa mga nasugatan o nasaktan na dayuhan.
"Walang kakayahan ang Department of Labor na mamalagi sa Baghdad para sa mga taong kumukuha ng mga benepisyo" saad ni Selby Hallmark, ang namumuno ng departamentong namamahala sa Defense Base Act. Dagdag pa niya, sinusubukan ng mga opisyal ng programa " na maparating sa mga kumpanya ang mga alituntunin ng programa. Sapat na ba yun? Hindi, hindi ko sasabihin na sapat na."
Pinagtanggol naman ng mga insurance company ang kanilang mga ginagawang aksyon. Ang American International Group, Inc. (AIG) ang mayroong pinakamalaking bilang ng mga insurance coverage sa Iraq. Noong nakaraang taon lang, nakatanggap ang AIG ng napakalaking halaga mula sa buwis ng mga mamamayan ng Amerika dahil sa pagbasak ng merkado.
Sa isang pahayag, patuloy daw ang kumpanya sa pagtupad ng mga obligasyon nito sa mga nasaktang manggagawa sa war zone at "lalong pinaigting ang kanilang paghahanap at pagbabayad ng mga benepisyo ng mga biktima o ng kanilang mga naulila.
Ang AIG ay nagtayo ng opisina sa Dubai, United Arab Emirates, para sa mga aplikasyon ng benepisyo at sinalin din sa salitang Arabo, Turkish at iba pang salita ang mga alituntunin ng Labor Department. Kumuha rin ang AIG ng mga insurance researcher company para tuntunin ang mga balo ng mga namatay na manggagawa at mga nasugat na trabahador.
Ang CNA Financial Corp. ang may pangalawang pinaka-maraming bilang ng mga naghahabol ng insurance sa Iraq at Afghanistan. Sinabi ng kumpanya na "patuloy na binabayaran ang mga benefisyo ng mga dayuhang manggagawa" at "hindi alam na may problema ang mga ito".
Magkakaiba Ang Bilang (Incident Rates Differ )
Ayon sa census ng Pentagon noong 2007, ang KBR, Inc. ang may pinakamaraming bilang ng mga manggagawa sa Iraq. Karamihan sa kanilang 16,000 na empleyado ay mga Amerikano.
Mahigit sa 700 ang bilang ng seryosong aksidente at pagkamatay ang naiulat ng Houston engineering andt construction company noong unang anim na buwan ng 2007 ---- halos limang biktima kada-isang daang manggagawa.
Ang Prime Projects International na nakabase sa Dubai ang mayroong pinakamaraming bilang ng mga dayuhang manggagawa sa Iraq. Aabot ang mga tauhan nito sa 10,000 katao.
Noong 2007, 43 sa manggagawa ng kumpanya ang seryosong nasugatan at namatay. Ang nasabing bilang ay aabot lamang sa halos isang katao kada-isang daang trabahador ng Prime Projects International.
Ganito rin ang sitwasyon sa iba pang kumpanya na mayroon malaking bilang ng mga dayuhang manggagawa gaya Gulf Catering Co. at Tamimi Global na parehong nakabase sa Saudi at Kulak na nakabase naman sa Turkey. Tumanggi ang tatlong kumpanya na magbigay ng kanilang panig nang hingan namin ng paliwanag.
"Kapag ganitong klase ng kumpanya ang mga kausap mo, asahan mo na maghuhugas lang ang mga ito ng kamay at hindi aaminin ang kanilang pagkakamali." paliwanag ng isang opisyal ng Vetted International Ltd. isang insurance research company na nakabase sa North Carolina. Tumanggi siyang ipalagay ang kanyang pangalan dahil may pagkasensitibo ng kanya trabaho sa war zone. "Marami sa mga aksidente ang hindi naiuulat at ang mga biktima ay hindi nakakatanggap ng ano mang klase ng tulong."
Marami sa mga kumpanya na galing sa Gitnang Silangan na nagbibigay ng serbisyo sa militar ng Amerika sa Iraq ay kinuha ng KBR. Sa isang pahayag mula sa KBR sinabi ng kumpanya na "prayoridad ang kaligtasan ng lahat ng empleyado at ng mga pinagsisilbihan ng kumpanya… Ganito rin ang inaasahan namin mula sa mga kumpanyang kinukuha namin."
Kapag hindi naipagbigay alam ng kumpanya ang aksidente na kinasangkutang ng kanilang tauhan, nagiging balakid ito sa manggagawa o sa mga naiwan ng biktima para kumbinsihin ang mga American insurance company at mga opisyal ng gobyerno ng Amerika na may karapatan siya na makatanggap ng mga benepisyo.
Ganito ang napag-alaman ni Gorgonia Torres nang mamatay ang kanyang asawa sa Iraq.
December 2003 nang magpunta si Rey Torres sa Baghdad. Ayon sa kanyang asawa nagtrabaho si Torres bilang driber, janitor at security guard sa Camp Victory na isang malaking base military sa kapitolyo ng Iraq.
Noong April 17, 2005 isa sa mga kasamahan sa trabaho ni Rey ang tumawag kay Gorgonia para sabihin na napatay ang kanyang mister habang binabaybay nito ang isang maselang lugar sa Baghdad.
Matapos ang labing-isang araw, dumating ang mga labi ni Rey na nakalulan sa isang silyadong kabaong. Napahinga ng malalalim si Gorgonia habang inaalala ang unang pagkakataon na masilayan ang bangkay ng asawa.
"Lahat ng parte ng katawan ko masakit. Pakiramdam ko para akong tumakbo nang malayong malayo. Nanlambot ang mga tuhod ko. Lahat masakit." Sabi ng 38 na taong gulang na si Gorgonia.
Nakatanggap si Gorgonia ng halos $5,000 mula sa gobyerno ng Pilipinas. Ang halagang binibigay para sa mga kamag-anak ng mga Pilipino na namatay habang nagtatrabaho sa ibang bansa. Ang Qatar International Trading Co. na siyang employer ni Rey ay nangbigay naman ng $16,000 na katumbas ng sweldo ng kanyang asawa sa buong taon.
Maliit na bahagi lamang ang nasabing halaga sa dapat niyang matanggap. Sa ilalim ng Defense Base Act, aabot sa kalahati ng buwanang sweldo ni Rey ang dapat makuha ni Gorgonia kada-buwan habang siya ay nabubuhay o higit pa sa kalahati dahil may mga anak na naulila si Rey. Para sa mga dayuhan, pinapayagan ng batas na korkulahin ng insurance company ang posibleng haba ng buhay ng nabalong asawa at bayaran ang kalahati ng kabuuang halagang ito (Ang mga nabalo ng mga U.S. citizen ay nakakatanggap ng buong halaga or kaya buwanang pensyon).
Gamit ang ganitong korkulasyon, pwedeng makatang si Gorgonia at ang kanyang mga anak ng halagang aabot sa $300,000. Pero noong 2007 lamang narinig ni Gorgonia na may ganitong klaseng insurance. Ito ay matapos kausapin siya ng isang reporter na nalaman ang nangyari kay Rey sa isang website ng gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay Gorgonia, hindi raw siya kailan man sinabihan ng Qatar International tungkol sa insurance. Hindi rin ipinarating ng kumpanya sa gobyerno ng Amerika ang tungol sa pagkamatay ni Rey Torres.
Nang sa wakas, nakapagsumite na siya ng aplikasyon para sa benepisyo, pinadalhan si Gorgonia ng Labor Department ng isang sulat. Pero dahil sa Ingles ang nakasulat hindi niya naintindihan ang laman liham. Ayon sa sulat, kinokontra daw ng AIG, ang insurance company na kinuha ng Qatar International, ang kanyang aplikasyon at humihingi ng karagdagang panahon para maimbistigahan ang pagkamatay ng kanyang asawa.
Nitong kamakailan lang, nag-alok ang AIG ng $22,000 kay Torres bilang kabuuang bayad. Tinanggihan niya ito. Sa ngayon, may isang abugado sa Amerika ang tumutulong kay Gorgonia sa kanyang pagkikipaglaban na makakuha ng tamang benepisyo sa ilalim ng masalimut na sistema ng Labor Department. Ang prosesong ito ay maaring abutin ng ilang taon.
Tumanggi ang AIG na magbigay ng komento ukol dito.
Hindi naman sinagot ng Qatar International na isang logistics and support company ang aming mga tawag at email para hingin ang kanilang panig.
Ginamit ni Torres ang $21,000 na natanggap mula sa pagkamatay ng asawa sa pagpapagawa ng isang dalawang palapag na bahay sa isang barangay nanapapaligiran ng mga barung-barong sa San Fernando, Pampanga.
Ang isang bahagi ng unang palapag ng kanilang bahay ay ginawang sari-sari store, samantalang ang taas naman ay nagsisilbing tulugan nina Gorgonia at ng lima niyang anak.
Pero matumal ang kanilang negosyo. Isang araw sa buwan ng Disyember nagrereklamo si Gorgonia na hindi sapat ang kinikita ng kanilang tindahan kahit sa pagkain ng kanyang pamilya. Sa katunayan, nung araw na nasa bahay nila kami, pumunta ang isa sa mga anak niya sa bukid para manghuli ng suso para mayron silang panghapunan noong gabing iyon. Ang isa naman ay sumama sa ibang bata para mangaroling para magkaron naman ng pera na pambili ng pantaloon para sa eskwela.
"Habang tumatagal lalong humihirap ang buhay namin." sabi ni Gorgonia.
Walang Natangap na Benepisyo (Claim Goes Unfiled )
Noong April 2005, namatay ang tubong Cebu na si Marcelo Salazar habang nagmamaneho ng trak sa Iraq. Naiwan niya ang kanyang kinakasama na si Vicky Buhawe at ang sanggol na anak at ang pinapagawang bahay.
Walang habol si Banawe sa mga benepisyo ng Defense Base Act dahil hindi sila kasal ni Salazar. Pero ang kanilang anak na ngayon ay apat na taong gulang na ay pwedeng makatanggap ng benepisyo na aabot sa $14,000 base sa sahod ng kanyang ama. Walang alam dito si Buhawe kaya kailan man ay hindi niya ito hinabol.
Walang papeles ang Department of Labor na nagpapatunay sa pagkamatay ni Salazar dahil ang employer nito na El Hoss Engineering and Transport Co. ay hindi ipinaalam sa agensya ang nangyari rito. Ayon sa isang press release ng gobyerno ng Pilipinas nakataggap daw ng bayad mula sa kumpanya ang binatang anak ni Salazar. Anak ni Salazar ang nabanggit sa kanyang unang asawa.
Sinubikan naming kunin ang panig ng El Hoss pero bigo kami.
"Minsan pumupunta kami sa puntod ni Marcelo at tinatanong namin siya kung pano kami mabubuhay mag-ina?" kwento ni Buhawe habang kalong-kalong si John Mark. "Ni hindi ko nga alam kung saan ako kukuha ng panghapunan namin ngayon."
Taong 2003 nang magtrabaho ang isa pang Pilipino na si Leopoldo Soliman sa warehouse ng isang military base sa Iraq. Pangarap niyang makaipon ng sapat na halaga para makapagpatayo ng bahay para kanyang asawa at mga anak.
Umabot sa $9,000 ang kinita ni Soliman sa unang taon niyang pagtatrabaho para sa Prime Projects International, isang kumpanya na kinuha ng KBR. At noong 2004, nakatanggap pa nga siya ng parangal mula sa mga sundalong Amerikano sa kanyang pagiging "masipag and masigasig" sa trabaho.
Kaya lang noong May 2005, isang mortar ang tumama sa tirahan ni Soliman sa Balad, Iraq. Tinamaan ang kanyang tuhod ng shrapnel na naging sanhi ng pagkakaroon ng butas ng kanyang tunod.
Sinagot ng Prime Projects ang mga gastusin niya sa pagpapagamot sa Iraq at Dubai. Pati ang pamasahe niya sa pag-uwi sa Pilipinas, sinagot din ng kumpanya, ayon kay Soliman. Pero pagkatapos nito, nagmula na sa sariling bulsa ni Soliman ang pinambayad para sa kanyang pagpapagamot sa Pilipinas. Sa sariling bulsa rin nanggaling ang pambili ng gamot, pambayad sa doktor na nagtangal ng naiwang sharpel sa kanyang katawan at ang bayad sa physical therapy.
Ayon kay Soliman, binaliwala ng Prime Projects ang kanyang pahingi ng tulong. Dagdag pa niya, wala daw binigay sa kanya ang kumpanya na imporrmasyon tungkol sa insurance ng mga taong nagtatrabaho sa giyera kaya hindi siya nag-apply para sa benepisyo.
Tumanggi ang Prime Projects na magbigay ng payahag ukol dito.
Ayon pa kay Soliman ang kumpanya ay "tinrato ako ng mabuti noong nangyari ang aksidente. Pero pagkapatos noon, nang makauwi na ako, wala na."
Iba't Ibang Bansa Ang Pinanggalingan (A Global Workforce)
Hindi baba sa 45 na bansa ang pinanggalingan ng mga nagtatrabaho para sa Amerika sa Iraq at Afghanistan. Pero tanging sa Ingles at Arabo lamang nakasulat ang mga abiso na pinadadala galing sa Labor Department. Wala sa Pilipino, Hindi o iba pang mga salita ng mga manggagawang dayuhan.
Kadalasan, isinasantabi lang ng mga dayuhang kumpanya ang utos ng Labor Department na humarap ang mga ito sa korte o magbayad ng mga benepisyo.
Sa bawat kontrata ng Amerika ay may maraming kumpanya ang nagbibigay ng serbisyo para rito. Halimbawa, ang isang janitor na taga-Sri Lanka ay maaring ni-recruit ng isang Indiano na nagtatrabaho para sa isang kumpanya sa Gitnang Silangan na kinuha naman ng isang kumpanya mula sa Amerika. Masalimuot ang sistema kaya nahihirapan ang mga dayuhang manggagawa na mapatunayan na nagtatrabaho nga sila para sa giyera ng Amerika.
Noong 2004, labin-dalawang Napalese ang namatay dahil sa gulo sa Iraq. Papasok sa trabaho ang mga biktima sa isang base ng Amerika. Sa isang Jordanian logistics company na Daoud & Parners Co. nagtatrabaho ang mga nasawi. Tinangi ng kumpanya na sa kanila nga nagtatrabaho ang mga Nepalese. Ang pagtangi nito ang naging dahilan kung bakit hindi nakatanggap ng benepisyo ang mga naiwan ng mga biktima.
Nang lumabas ang balita tungkol sa nangyari, ilang abugado mula sa law firm na Cohen Milstein Sellers & Toll na nakabase sa Washington ang nagbolitaryong hawakan ang kaso para sa mga naiwang kamag-anak ng mga Nepalese.
Pumunta ang abugadong si Matthew Handley sa Nepal para kumuha ng mga pahayag mula sa mga saksi at hindi sinasadyang may nahanap siya na isang kopya ng kontrata na nagpapatunay na nagtrabaho ang labin-dalawa para Daoud.
Noong 2008, apat na taon mula nang mangyari ang aksidente, lumabas ang desisyon ng Labor Department na nag-uutos sa Daoud at sa insurance company na CNA na bayaran ang mga benipisyo ng mga nasawi. Hunyo ng parehong taon nang nagsimulang magbayad ang CNA ng halagang mula $35,000 hanggang $175,000 sa mga magulang at byuda ng mga nasawing manggagawa.
Hindi sinagot ng Daoud ang aming hiling na ibigay ang kanilang panig.
"Hindi ko maisip kung paano sisimulan ng isang tao na walang abugado ang prosesong ito, lalo na para sa isang taga-Nepal." saad ni Handley. "Pagdating sa mga taong galing sa mga mahihirap na bansa, ito ay halos imposible. Swerte ka kung may makuha ka na kahit maliit na halaga."
Patuloy Ang Pagdurusa (Survivor's Struggles)
Kahit pa alam ng mga dayuhan ang kanilang mga karapatan, hindi pa rin ito kasiguruhan na makakuha ang mga ito ng benepisyo.
Nagtatrabaho ang South African na si Daniel Brink bilang security guard sa Iraq nang masabugan ng mga roadside bomb ang kanyang minamanehong sasakyan noong December 2005
Dahil sa pagsabog naputol ang kanang paa ng dating pulis at karamihan ng kanyang mga darili sa kamay. Nilipad si Brink sa London kung saan pinalitan ng mga doctor ang kanyang madaliri sa kamay gamit ang mga daliri niya sa paa.
Ang CNA, na may hawak ng insurance ng kumpanyang pinapasukan ni Brink ang siyang nagbayad sa operasyon at iba pang gastos habang nagpapagaling ito. Pero nang umuwi siya sa Johannesburg, South Africa, nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan kung sino ang dapat magbabayad sa iba pang operasyon na dapat gawin kay Brink. Hindi rin matukoy kung sino ang sasagot sa kanyang psychological counseling, electric wheelchair at ang kinailangang gawing pagsasaayos sa kanyang bahay. Sabi ni Brink, umabot ng ilang buwan bago binayaran ng CNA ang mga operasyon na ginawa at tumagi na itong bayaran ang iba pang mga gastusin.Dahil dito nabaon sa utang si Brink. Maging ang wheelchair niya ay binawi dahil hindi na niya ito nahuhulugan at ultimo ang bahay niya ay narimata rin.
Noong May 2007, pumunta si Brink sa Chicago sa paniniwalang kakausapin siya ng tauhan ng CNA na may hawak ng kanyang kaso . Pero nang dumating siya sa opisina, sinabihan si Brink na walang pwedeng humarap sa kanya. A sa halip, pinalabas siya ng mga security guard ng headquarter ng CNA.
Makalipas ang dalawang taon, pinupukpok pa rin ni Brink ang Labor Department para sa kanyang mga benepisyo. Ayon sa kanya, aabot na sa $150,000 ang kanyang utang dahil sa kanyang pagpapagamot.
Sinabi ng CNA na " wala itong direktang ugnayan sa mga manggagawa" pero maliban dito wala nang iba pang sinabi ang kumpanya dahil hindi daw nila pwede pag-usapan ang alin man sa mga kaso na hawak nila.
Ayon pa sa 39 na taong gulang na si Brink, maraming mga South African na nagtrabaho sa Iraq ang nasa katulad niyang sitwasyon. Sa ngayon, nag-aaral siya para maging isang abugado sa pag-asa na balang araw ay maipaglaban niya ang mga karapatan ng kanyang mga kababayan na kapareho niya ng kapalaran.
"Hindi naman ako humingi ng labis" saad ni Brink. "Gusto ko lang makuha kung ano ang nararapat na para sa akin, walang labis, walang kulang."